KKDAT at Force Multipliers, nakiisa sa Simultaneous Tree Planting Activity

Eastern Samar – Nakiisa ang mga miyembro ng KKDAT at Force Multipliers sa isinagawang Simultaneous Tree Planting Activity sa Brgy. San Pedro, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Martes ng umaga ika-11 ng Hulyo 2023.

Kasama sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.

Ang aktibidad ay bahagi ng ika-28th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.”

Ang nasabing aktibidad ay isang paraan upang paalalahanan ang komunidad sa responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *