200 Kabataan, naging benipepisyaryo ng Community Outreach Program sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Mahigit 200 kabataan ang naging benepisyaryo ng isinagawang community outreach program sa Purok Malipayon, Brgy. New Carmen, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang umaga ng Hulyo 12, 2023.

Maayos na naisakatuparan ang naturang programa bunga ng patuloy na pagtutulungan ng mga miyembro ng Makasining Lahi ng Tacurong (LGBTQ), Advisory Group for Police Transformation and Development, BLGU, at Sultan Kudarat PNP.

Gaya ng nakasanayan, mga masusustansyang pagkain, mga pares ng tsinelas, palaro at libreng gupit ang inihandog ng mga nasabing grupo sa humigit kumulang 200 na mga kabataan sa naturang lugar.

Abot tenga naman ang ngiti ng mga bata sa kanilang mga natanggap na munting regalo lalong lalo na sa isinagawang palaro kung saan lumabas at nahubog ang mga talento ng mga kabataan. Layunin ng programa na makapagbigay tulong sa ating mga kababayan na nasa laylayan upang kahit papano ay maibsan ang gutom at kahirapan sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *