Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng KKDAT Dauin Chapter

Negros Oriental – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Poblacion Dauin, Negros Oriental nito lamang Hulyo 16, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Dauin Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Saturnino F Sedigo Jr, Officer-In-Charge, katuwang ang Tau Gamma Phi – Dauin Chapter at Alpha Beta.

Patuloy na magtutulungan ang naturang grupo upang mapangalagaan, mapanatili ang kagandahan at maiwasan ang pagkasira ng ating kalikasan.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa komunidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng dalampasigan at maprotektahan din ang mga nabubuhay na yamang dagat sa lugar lalo na at ito ang pangunahing hanap buhay ng ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *