Faith-Based Volunteers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Eastern Samar
Nakiisa ang mga Faith-Based Volunteers sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Cambilla, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Lunes, Hulyo 17, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ptr. Joseph Lavilla, Faith- Based President kasama ang mga Brgy. Official ng Brgy. Cambilla, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at mga guro ng Cambilla Elementary School.
Ito ay inisyatiba ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Eastern Samar Provincial Police Office at Quinapondan Police Station.
May kabuuang 45 school supplies ang naibigay mula Kinder, Grade 1 hanggang Grade 6 na mag-aaral, 85 food packs sa mga pamilya ng nasabing lugar at feeding program din ang ginawa upang maisulong ang mabuting kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain sa mga bata.
Ang nasabing aktibidad ay tinaguriang P.N.P. C.A.R.E.S., na nangangahulugang Pencil-Notebook-Paper Crayons-Art Book-Ruler-Eraser-Sharpener at bahagi rin ng ika-28th Police Community Relations Month Celebration na may temang ” Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.
Layunin ng aktibidad na maitanim sa isipan ng publiko na bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, kaibigan ang PNP sa mga bagay na makakabuti sa mamamayan.