Tree Planting Activity, isinagawa ng Force Multipliers sa NegOr

Pinangunahan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Abiga, Siaton, Negros Oriental nito lamang ika-15 ng Hulyo 2023.

Katuwang ng naturang grupo sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Siaton Police Station sa pangunguna ni Police Major Alvin A Llamedo, Officer-In-Charge, mga tauhan ng BFP, Brgy. Officials, BHW, Brgy. Tanod, 4P’s, Tau Gamma Phi at Alpha Kappa Rho.

Nagtulong-tulong at nagkaisa ang nasabing grupo upang maitanim ang tinatayang 100 puno ng narra sa nabanggit na lugar.

Ito ay isang paraan upang hikayatin ang publiko na huwag magsawang makiisa sa mga aktibididad na isinusulong ng pamahalaan maging ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *