Advocacy Support Groups, nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program sa Muntinlupa City

Aktibong nakiisa ang nga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Phase 2 Terminal, Covered Court, Southville III, Barangay Poblacion, Muntinlupa City nito lamang Lunes, Hunyo 24, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng RMFB Battalion Community Affairs Section kasama ang 1st MFC RMFB personnel. Bilang karagdagan, ang aktibidad na ito ay mahigpit na pinagtibay ni Hon. Allen F. Ampaya, Barangay Chairman, City Health Office ng Muntinlupa City sa pamumuno ni Dr. Geraldine O. Araullo, Muntinlupa City Technical Institute (MCTI) sa pangunguna ni G. Ramel R. Batan, Head Operation Division, Sandigan Youth Organization, at AB Band.

Ang nasabing aktibidad ay may kabuuang 200 indigent households na nabigyan ng food packs at 250 indibidwal ang nabigyan ng masasarap na meryenda. Katulad nito, ang mga libreng serbisyong medikal, partikular para sa mga matatanda, tulad ng blood pressure check at libreng dental check-up.

Nagturo rin ang grupo patungkol sa Drug Awareness at livelihood seminar tungkol sa paggawa ng dishwashing liquid at rug weaving. Layunin nitong iparating sa bawat residente ang serbisyo publiko ng pamahalaan upang maipadama ang malasakit at pagmamahal sa bawat miyembro ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *