Faith-based Leaders, nakiisa sa Feeding Activity sa Eastern Samar

Eastern Samar – Nakiisa ang Faith-based Leaders sa isinagawang Feeding Activity ng mga kapulisan sa Purok 4, Barangay 13, Dolores, Eastern Samar nito lamang Hulyo 25, 2023.

Sinimulan ang aktibidad sa isang panalangin na pinangunahan ni Pastora Emeliana Ambal, Life Coach mula sa Triumph in Christ Church katuwang ang mga tauhan ng PCAD 1st Eastern Samar PMFC sa pamumuno ni PLtCol Seth Mark D Alob, Force Commander.

Mahigit 50 na kabataan ang benepisyaryo sa nasabing aktibidad.

Ito ay bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng 28th Police Community Month na may Temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.”

Ang naturang aktibidad ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng PNP at sektor ng relihiyon tungo sa isang mapayapa at progresibong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *