Advocacy Support Group Enrile Chapter, nakiisa sa Feeding Program

Aktibong nakiisa ang Advocacy Support Groups Enrile Chapter sa isinagawang feeding program sa Sitio Cannagan Brgy. Divisoria, Enrile, Cagayan nito lamang ika-24 ng Hulyo 2023.

Umabot sa 40 na bata ang nabusog sa hatid na libreng pagkain ng My Brother’s Life Coaches (MBK-LC) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang Enrile Police Station.

Layunin nito ang makapag-abot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan at mapababa ang bilang ng malnutrisyon sa nasabing lugar. Patuloy na magsasagawa ang grupo sa ganitong aktibidad upang isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.

Source: Enrile Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *