Community Outreach Program at Medical-Surgical Mission, isinagawa sa Sarangani Province
Naging matagumpay ang isinagawang Community Outreach Program at Medical-Surgical Mission sa tulong ng Pamahalaan ng Sarangani Province, University of Santo Tomas Medical Mission Incorporated at General Santos City Doctor’s Hospital, Incorporated na ginanap sa Barangay Suli, Kiamba, Sarangani Province nito lamang Lunes, Hulyo 24, 2023.
Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Police Regional Office 12, Philippine Army, Local Government Unit – Kiamba, University of Santo Tomas Medical Mission Incorporated at General Santos City Doctor’s Hospital, Incorporated.
Humigit-kumulang 300 na indibidwal ang nakinabang sa libreng serbisyo tulad ng medical check-up, circumcision, blood pressure monitoring, blood sugar checking, administration of the anti-pneumonia vaccine, dental tooth extraction, eye check-up, pamamahagi ng assorted vitamins, gamot, food packs, mga kagamitang pang-eskwela, at marami pang iba.
Naglalayon ang programang ito na maipaabot sa mamamayan ang mga serbisyong publiko lalo na sa mga nangangailangan.