Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga miyembro Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Factoria, Oras, Eastern Samar nito lamang Sabado ika-22 ng Hulyo 2023.

Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng Ptr. Emeliana Ambal, Life Coach ng Triumph in Christ Church kasama ang mga kabataan, BPAT’s at mga tauhan ng 1st Eastern Samar PMFC.

Ito ay naglalayong turuan ang mga residente sa paglaban sa polusyon at pagbabawas ng mga epekto ng pagbabago ng klima at pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.

Ang naturang aktibidad ay nagpapalakas sa pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya, iba pang lokal na ahensya at komunidad sa pagkamit ng iisang layunin sa pagpapataas ng kamalayan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *