Clean-up drive, isinagawa sa Libungan Diversion Dam sa Cotabato

Isinagawa ngayong umaga ng mga miyembro ng Advocacy Support Group, Force Multipliers, Cotabato PNP at iba pang volunteers, ang coastal clean-up drive sa Libungan Diversion Dam, Brgy. Barongis, Libungan, Cotabato.

Ito ay bilang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan sa buong lalawigan. Umabot sa mahigit 50 sako ng basura ang nakolekta sa isinagawang clean-up drive.

Dahil rito, hinihikayat ng mga naturang grupo ang mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *