Force Multipliers sa Eastern Samar, nakilahok sa National Blood Donor’s Month

Nakilahok ang mga Force Multipliers sa isinagawang National Blood Donor’s Month na ginanap sa Capitol Gym, Borongan City, Eastern Samar nito lamang Hulyo 31, 2023.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng DOH at Red Cross Eastern Visayas kasama ang mga tauhan ng 1st Eastern Samar PMFC.

Naging tema ng aktibidad ang “Give Blood, Give Plasma, Give Life, Share Often in order to sustain the delivery of blood services for blood transfusion.”

Samantala, pinasalamatan naman ng grupo ang lahat ng mga blood donors na boluntaryong nakilahok sa aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *