Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng KKDAT sa Bangar, La Union

Bangar, La Union – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Brgy. Paratong, Bangar, La Union nito lamang Lunes, ika-07 ng Agosto 2023.

Katuwang ng mga miyembro sa nasabing aktibidad ang Bangar PNP na pinangungunahan ni Police Major Ronald Allan Rupisan, Officer-In-Charge.

Ang naturang aktibidad ay may layunin na maibalik ang ganda at mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran lalo na sa panahon ng tag-ulan dahil ang mga basura na nasa paligid nito ay maaring anurin at maging sanhi ng pagbaha.

Patuloy naman ang grupo na paalalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran. Source: Bangar, Municipal Police Station, La Union.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *