Coastal Clean-up Drive, magkatuwang na isinagawa ng KALIGKASAN Advocacy Group at Malilipot PNP

Malilipot, Albay – Naging matagumpay ang isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity na isinagawa ng KALIGKASAN Advocacy Group at ang mga tauhan ng Malilipot Municipal Police Station sa Seawall, Barangay III Poblacion, Malilipot, Albay nito lamang ika-5 ng Agosto 2023.

Nagtulong-tulong ang bawat isa sa paglilinis ng mga nakakalat na basura sa paligid ng dalampasigan upang masiguro na hindi ito mapunta patungo sa karagatan.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa publiko ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kapaligiran at yamang-dagat. Hinihikayat ng PNP at naturang organisasyon na makiisa at suportahan ng komunidad ang mga programang nagsusulong upang pangalagaan ang ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *