Advocacy Support Group, nagsagawa ng Medical Mission sa Pamplona, Cagayan

Nagsagawa ang Advocacy Support Group na Baggak ti Amianan CV Eagles na pinangunahan ni Ranie Gabatin, Club President ng Medical Mission sa Brgy. Centro, Pamplona, Cagayan noong ika-4 ng Agosto 2023.

Katuwang ng grupo ang kapulisan ng Cagayan 2nd PMFC at Municipal Health Office (MHO) ng nasabing bayan.

Tinatayang mahigit 500 na mga bata ang sumailalim sa libreng tuli at umaabot naman sa mahigit 550 katao ang nakinabang sa libreng konsultasyon, libreng gamot at bitamina na ibinahagi ng mga medical team ng MHO.

Laking tuwa at pasasalamat naman ang tugon ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap mula sa grupo.

parin ang pakikipatulungan ng mga advocacy support groups kasama ang kapulisan at iba pang ahensya sa mga programa ng gobyerno upang mapagtagumpayan at matulungan ang mga kababayan nangangailangan lalo na sa aspetong pangkalusugan. Source: Cagayan 2nd PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *