Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng Force Multipliers sa Guihulngan City

Masugid na isinagawa ng mga miyembro ng Force Multipliers ang Coastal Clean-up Drive sa Sitio Bucana, Brgy. Poblacion, Guihulngan City nito lamang ika-12 ng Agosto 2023.

Kabilang sa nakibahagi ang Guihulngan City PNP sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Romeo G Cubo, Acting Chief of Police, Youth for Peace Movement – Guihulngan City Chapter, 62nd IB, 3ID, PA, 64th SAC-PNP SAF, Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA), LGU, Brgy. Tanod at AKRHO.

Nagtulong-tulong ang mga nasabing grupo na linisin ang mga basurang nakakalat sa dalampasigan na siyang maaring makaapekto sa kalusugan ng mamamayan na naninirahan sa nasabing lugar.

Binigyang paalala rin ng grupo ang mga residente ng Sitio Bucana, Brgy. Poblacion na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *