Province Wide KKDAT Fellowship, isinagawa sa Mt. Province
Nagsagawa ng Province Wide Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Fellowship na ginanap sa Muliti- Purpose Hall, Poblacion, Bontoc, Mt. Province mula Agosto 7-9, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng KKDAT Mt. Province Officers sa pangunguna ni Ms. Nicole Cashmire Pascual, KKDAT Mt. Province Chapter President, kasama ang 10 munisipalidad ng probinsya na nilahukan ng 127 na miyembro ng KKDAT, sa tulong ng Mt. Province PNP at kanilang sponsors at donors.
Itinampok sa aktibidad ang mga serye ng pagtalakay patungkol sa Anti-illegal Drugs, Cybercrime, Anti-Radicalization, Public Speaking, Role of the Youth in Nation Building and Leadership, Teenage Pregnancy, Autonomy, Financial Literacy and IEC on Entrepreneurship Programs for Youth, Spiritual Fellowship, Variety Shows, at Team Building Activity.
Ang tatlong araw na aktibidad ay may temang “BREAKING BARRIERS: Strengthening the bond of MP KKDAT Chapter through unleashing leadership potentials:Aiming to empower the youth” na naglalayong hubugin ang kaisipan ng mga kabataan patungo sa maayos na kinabukasan.