Stakeholders, Parents at Brgy. Officials nakiisa sa Brigada Eskwela

Nakiisa ang mga Stakeholders, Parents at Brgy. Officials sa isinagawang Kick-off Ceremony ng Brigada Eskwela 2023 sa iba’t ibang paaralan sa Otucan Norte, Bauko, Mt. Province nito lamang Agosto 14, 2023.

Ang aktibidad ay may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan”, kung saan dinaluhan ng mga tauhan ng Mt. Province PNP, mga magulang, guro at brgy. Officials sa nasabing lugar.

Ilan sa mga paaralang nagsagawa ng seremonya ang Otucan Bila National Highschool, Bauko Central School, Antadao National High School, Cabunagan Elementary School, Tipunan National Highschool, Cabunagan Elementary School at Payag-eo Elementary School.

Sama-samang nagparada sa paligid ng nasabing mga paaralan, sabay na naglinis ng mga silid paaralan at gusali.

Gayundin ay nagpulong para sa ikaaayos at mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng nasabing mga paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *