Force Multipliers nakiisa sa Brigada Eskwela sa Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Brigada Eskwela 2023 sa Vargas High School, Barangay Vargas, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Martes, ika-15 ng Agosto 2023.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga guro, mag-aaral , Santa Ignacia PNP at mga magulang.

Nagtulungan sa paglilinis ng paligid ng paaralan at tinanggal ang mga maaring pamugaran ng lamok na nagdudulot ng sakit.

Patuloy ang pakikiisa ng mga Force Multipliers sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit ng pasukan ng mga bata ngayong Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *