Brigada Ekswela isinagawa Dalwangan NHS

Magkabalikat ang mga guro at pulisya sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Dalwangan National High School, Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Agosto 17, 2023.

Ilan sa nakiisa ang mga miyembro ng 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Carlito R Chua Jr, Company Commander at mga guro ng naturang paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan Tara na Mag Brigada Tayo.” Nagwalis at nagbunot ng mga damo ang mga nasabing grupo sa paligid ng paaralan.

Ito rin ay bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto. Patunay na makakamtam natin ang magandang results kung tayo ay nagtutulungan sa pagkamit ng kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *