Force Multipliers, aktibong nakiisa sa Brigada Eskwela sa Calamba City

Aktibong nakiisa ang Force Multipliers sa isinagawang Brigada Eskwela sa Buntog National High School, Sitio Buntog, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna nito lamang Biyernes, Agosto 18, 2023.

Katuwang ng mga miyembro ng Police Hotline Movement, Inc sa aktibidad ang mga magulang, guro, mag-aaral, at mga tauhan mula sa RPCADU 4A at RMFB-Curao PNP.

Nagtulungan ang mg grupo sa pagwalis ng kapaligiran, paglinis sa loob ng silid-aralan, pagpintura at pagkumpuni ng mga sirang kisame, silya at mesa.

Patuloy na makiisa ang mga force multipliers sa pagtaguyod ng maayos at pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan para sa mga mag-aaral upang maiwasan ang sakuna at anumang uri ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *