Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Labrador, Pangasinan

Pinangunahan ng mga miyembro ng Barangay Officials, Bureau of Fire Protection, National Grid Corporation of the Philippines, at Agriculture Labrador ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Tobuan, Labrador, Pangasinan nito lamang ika-17 ng Agosto 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Labrador PNP sa pamumuno ni Police Captain Dario G Ico, Officer in-Charge.

Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikiisa sa ating kapulisan upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran. Patuloy naman ang grupo na paalalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran. Source: Labrador MPS, Pangasinan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *