KKDAT nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Santa Marcela, Apayao

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)- Santa Marcela Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa San Antonio Elementary School San Antonio, Santa Marcela, Apayao, nito lamang ika-18 ng Agosto, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Santa Marcela Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Jueves Saltin, Deputy Chief of Police, katuwang ang mga guro ng paaralan sa pangunguna ni Mrs. Catherine M Villanueva, ESHT III.

Sama-sama at masayang nagtanim at naglinis ang mga nasabing grupo upang mapanatili ang kaayusan ng paaralan sa nalalapit na pasukan.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at hikayating makiisa ang bawat mamamayan para maiwasan ang lumalalang epekto ng global warming.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *