Advocacy Support Group at Force Multipliers, nagsagawa ng Clean-up Drive Activity sa Eastern Samar

Nagsagawa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ng Clean-up Drive Activity sa Brgy. 06, Dolores, Eastern Samar nito lamang Linggo ng umaga ika-20 ng Agosto 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang mga kapulisan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.

Ang nasabing aktibidad ay isinasagawa upang itaas ang kamalayan ng mamamayan sa kapaligiran, partikular sa waste reduction and management, at upang bumuo ng isang healthy environment.

Hinihikayat naman ng naturang grupo ang komunidad na patuloy na makiisa at suportahan ang mga programang nagsusulong na mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *