KKDAT-Gattaran Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Gattaran Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa Zone 1 Poblacion, Baggao, Cagayan noong ika-18 ng Agosto 2023.

Matagumpay na nakapagtanim ng 100 fruit bearings na pinagtutulungan ng Youth For Peace Poblacion Chapter, Sangguniang Kabataan, 7th Infantry Brigade at Baggao Police Station sa pangunguna ni Police Chief Master Sgt Erick T Marcelino, MCAD PNCO.

Ang aktibidad ay bilang bahagi ng Arbor Day of Baggao na “I Love Cagayan River Movement”. Ang aktibidad ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa na may layuning pangalagaan, madagdagan at mapayabong ang mga puno sa kapaligiran na nakakatulong labanan ang climate change.

Source: Baggao Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *