Feeding Program, isinagawa ng Advocacy Support Group at Aparri PNP

Tuwa at pasasalamat ang naging tugon ng mga residente ng Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan sa isinagawang feeding program ng Advocacy Support Group at Aparri PNP noong Agosto 20, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga myembro ng Kabalikat Civicom at mga tauhan ng Aparri Police Station kasama ang Religious Sector ng Aparri.

Layunin nito ang makapag-abot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan at mapababa ang bilang ng malnutrisyon sa nasabing lugar.

Patuloy na magsasagawa ng ganitong aktibidad ang pulisya katuwang ang stakeholders upang isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan. Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *