Community Outreach Program isinagawa sa Candelaria, Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Purok 7, Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales nito lamang Lunes, ika-21 ng Agosto 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Zambales Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Major Mark Louie M Sigua, Acting Force Commander kasama ang mga miyembro ng Candelaria Les-Gay Organization Incorporated.

Nagkaroon ng feeding program, libreng check-up at libreng gupit para sa mga residente ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *