Force Multipliers, nakiisa sa Mass Blood Donation sa Tacloban City

Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Mass Blood Donation sa Gaisano Real, Real Street, Tacloban, City nito lamang Agosto 20, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tacloban Chamber Volunteer kasama ang Philippine Red Cross, Tacloban City Eagles Club at mga tauhan ng Leyte Provincial Police Office.

Samantala, pinasalamatan naman ng Tacloban Chamber Volunteer ang lahat ng mga blood donors na boluntaryong nakilahok sa aktibidad.

Patuloy na maglilingkod at magpapaabot ng tulong ang nasabing grupo sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *