Kabataan at Brgy Officials nakiisa sa Clean-Up Drive sa Baguio City

Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang mga tauhan ng Baguio’s Finest na pinangunahan ni Police Major Francisco O Ben, Acting Chief sa Marcos Hi-way, Baguio City nito lamang ika-22 ng Agosto 2023.

Lumahok sa aktibidad ang mga kabataan at mga barangay officials ng Brgy. Dontogan at Brgy. Santo Tomas, mga bagong recruit ng PNP Class Mabidang 2022-01 at mga volunteers.

Ang naturang mga grupo ay sama-samang naglinis sa kalsada at mga emburnal na nagdudulot ng pagbara at pagbaha tuwing umuulan.

Naging matagumpay ang aktibidad kung saan nakalikom ng sako-sakong damo at mga basura na may layunin na ibahagi sa mga mamayan ang tamang paglilinis ng kapaligiran at pagtatapon ng basura .

Gayundin na mahikayat ang mga KKDAT members at volunteers na patuloy makiisa sa mga aktibidad sa pagpapanatili ng kalinisan sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *