LGBTQ Advocacy Support Group , nakiisa sa Serbisyo Caravan sa Sultan Kudarat

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng LGBTQ advocacy support group sa inilunsad na Serbisyo Caravan ng LGU- Lebak na ginanap sa Bargangay Keytodac, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang ika-23 ng Agosto 2023.

Ang programa ay naisakatuparan sa pangunguna mga iba’t-ibang opisina ng LGU-Lebak kasama ang Philippine Army, PNP, LGBTQ advocacy Support groups at iba pang pribadong grupo at stakeholders.

Aabot naman sa humigit-kumulang 800 mga kabataan at matatanda ang napamahagian ng libreng tuli, medical check-up, pamamahagi ng mga food packs, hygiene kits, sako-sakong bigas, tsinelas at iba pa.

Nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan ng Lebak sa kanilang mga kasosyo sa pagbabahagi ng Serbisyo Caravan na naglalayong tulongan at pasayahin ang mga taong higit na nangangailangan atensiyon ng ating gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *