KKDAT Virac Chapter, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive Activity

Aktibong nakilahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa dalampasigan ng Barangay Balite,Virac Catanduanes nito lamang ika-22 ng Agosto 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Virac Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ ROBERT KEVIN T. CAPARROSO, Chief of Police ng naturang himpilan.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng mga dalampasigan upang maprotektahan din ang mga nabubuhay na yamang dagat sa lugar. Patuloy ang Virac PNP at mga kabataan sa lugar sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang kagandahan at sigla ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *