KKDAT Lal-lo, lumahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Lal-lo Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay San Mariano, Lal-lo, Cagayan noong Agosto 23, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lal-lo Police Station katuwang ang Local Government Unit, at mga residente ng nasabing barangay.

Sama-samang nagtanim ang mga grupo ng may kabuuang 60 fruit bearing trees sa naturang lugar.

Ang ganitong aktibidad ay paraan para maprotektahan ang kalikasan sa patuloy na climate change at para labanan ang global warming.

Layunin ng naturang aktibidad na magbigay ng kamalayan sa publiko sa kahalagahan ng pagtatanim para sa pagsasaayos ng kalikasan at pagpapanatili ng kagandahan ng ating inang kalikasan.

Source: Lal-lo PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *