Naga City PNP, nakiisa sa Clean-up Drive Activity

Naga City – Nakiisa sa isinasagawa ng Clean-Up Drive Activity ang mga personahe ng Police Station 2 ng Naga City Police Office sa Barangay Dinaga, Naga City nito lamang Agosto 26, 2023.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Ako Bicol katuwang ang mga tauhan ng Camarines Sur Police Provincial Office, Bureau of Fore Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Armed Forces of the Philippines, mga opisyal at residente ng naturang barangay.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng PNP Core Values na Makakalikasan at nakaangkla sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na 5-focused agenda na naglalayong pangalagaan ang ating inang kalikasan.

Ang pambansang pulisya katuwang ang pamayanan ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibdad para maprotektahan ang kapaligiran. Source: Naga City Police Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *