Community Outreach Program isinagawa sa Mayantoc, Tarlac

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Community Outreach Program para sa ating mga katutubo na nakatira sa Sitio Calao, Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Linggos, ika-27 ng Agosto 2023.

Pinangunahn ito ng mga miyembro ng The Lord Our Righteous International Church Inc. katuwang ang mga miyembro rin ng True Vine Christian Church.

Nakipagtulungan rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force at Lingkod Bayan Advocacy Support Group. Sa aktibidad ay nagkaroon ng feeding program at medical mission sa naturang lugar.

Layunin nito na makapaghatid ng tulong at serbisyo sa ating mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *