Miyembro ng BPATs, nakilahok sa Skills Enhancement Training sa Iriga City

Iriga City — Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams ang isinagawang Skills Enhancement Training na ginanap sa Barangay La Medalla, Iriga City, nito lamang August 26, 2023.

Ito ay pinangunahan ng mga personahe ng Iriga City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Jabesh Nicolas Napolis, OIC, ng naturang himpilan.

Kaugnay ng aktibidad ay itinuro sa mga miyembro ng BPAT’S ang aktuwal na pagsasanay patungkol sa basic arresting at handcuffing techniques na makakatulong sa kanila at magagamit habang ginagampan nila ang kanilang tungkulin.

Patuloy ang Pambansang Pulisya na magbigay ng kaalaman sa mga miyembro ng Force Multipliers upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bawat lugar na kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *