BPATs Enhancement Seminar, isinagawa sa San Juan City
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) ang isinagawang Enhancement Seminar sa Brgy. Pasadena Hall, Function Room, San Juan City nito lamang umaga ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre 2023.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Juan City Police Station at ng NAPCO’s (Class Dakila 2022-01) bilang mga tagapagsalita sa naturang programa.
Katuwang din dito ang Barangay Tanod sa pangunguna ni Brgy. Kagawad Charlito Golpo, at sa aktibong suporta ng Brgy. Chairman Jaime O Venal.
Itinuro sa mga dumalo ang Proper Blotter Entry, Basic Function of Brgy. Tanod, at Kamalayan sa Droga; E.O. 70 NTF-ELCAC hinggil sa Recruitment of Youth and Students of the Communist Terrorist Group (CTG); R. A. 11313 Safe Space-Act (Bawal- Bastos Law); R.A. 8353 Anti-Rape Law, at Public Safety TIPS at BSKE 2023.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang batas ang mga kalahok, palakasin ang presensya ng pulisya, at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng nasabing lungsod.