“Pulis Ko, Titser Ko” muling umarangkada sa MisOcc

Pag-asa at ngiti ang dala ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Misamis Occidental sa mga kabataan ng Bagong Silang, Lopez Jaena, Misamis Occidental nito lamang Setyembre 1, 2023.

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Dwight Domingo Monato, Acting Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office.

Ilan sa tinuro ng mga awtoridad ay tamang respeto sa magulang at kung paano bumasa. Ito ay bahagi ng programa ng PNP upang mas mapalakas ang ugnayan ng Pulisya at mamamayan at maiparadam ang pagmamalasakit sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *