Force Multipliers nagbigay ng libreng school supplies sa Camiling, Tarlac

Naghandog ng tulong ang mga miyembro ng Global Peacekeepers and Community Responders Anti-Crime Intelligence Group sa mga mag-aaral ng Carael Elementary School, Barangay Cacamilingan Sur, Camiling, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-1 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ni Commander Ronald G. Dela Cruz katuwang si Police Lieutanant Colonel Jim P Tayag, Chief of Police ng Camiling Municipal Police Station.

Namigay ng umabot 180 school supplies sa mga ma-aaral mula sa iba’t ibang baitang ng naturang paaralan. Patuloy ang maigting na ugnayan ng pulisya at mga force multipliers upang maihatid ang tulong at serbsiyo sa mga mamamayan lalo na sa mga labis na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *