Barangay Visitation nilahukan ng Force Multipliers sa San Juan City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Barangay Visitation sa iba’t ibang barangay sa San Juan City nito lamang Martes ng gabi, Agosto 29, 2023.

Ito ay pinangunahan ng Sub-Station 4, San Juan City Police Station sa pangangasiwa at gabay ni Police Captain Mauro A Paguyo, SS4 Commander.

Magkasama ang pulisya at Force Multipliers na nagsagawa ng police visibility sa kanilang AOR.

Layunin nito na hadlangan o mabawasan ang mga krimen sa lansangan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *