2-Days Youth Development Conference, dinaluhan ng Sanguniang Kabataan Officer ng Sorsogon

Aktibong nilahukan ng Sangguniang Kabataan Officer ang isinagawang 2-Days Youth Development Conference na ginanap sa Sanguniang Bayan Session Hall Bulan, Sorsogon nito lamang ika -1 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Local Government Unit ng Bulan Sorsogon kung saan nais ipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan kung paano maging isang huwarang opisyales ng kabataan sa kanilang nasasakupan.

Samantala, ang Bulan PNP ay nagkaroon ng pagtalakay patungkol sa Republic Act 9262 o “Anti Violence against Women and their Children Act of 2004”, Republic Act 9208 o “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003”, Crime Prevention Tips, at pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga at nagpaalala rin na huwag magpapalinlang sa makakaliwang grupo at namahagi din ng IEC materials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *