KKDAT naghandog ng Financial Assistance sa Mt. Province

Nagsagawa ng Outreach Program through giving financial assistanance ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at mga awtoridad sa Sadanga, Mt. Province nito lamang Setyembre 4, 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ni KKDAT Sadanga Chapter President Renand A Gen-Gen katuwang ang Sadanga PNP.

Iginawad kay Mr. Miller Ticnang, kasalukuyang nagpapagaling mula sa motor accident, ang cash assistance. Ito ay pinansyal na tulong para sa kanyang pag-aaral at tulong para sa kanyang medikal na pangangailangan.

Patuloy naman ang pagtulong ng mga KKDAT members at Sadanga PN sa pagbibigay tulong sa mga mamayan at mahikayat ang komunidad na patuloy suportahan ang mga proyekto ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *