Tree Planting at Clean-Up Drive isinagawa sa Casiguran, Aurora

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting at Clean-Up Drive sa Barangay Dibet, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-7 ng Setyembre 2023.

Kalahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Aurora PNP, Municipal Environment and Natural Resources Office at Lingkod Bayan Advocacy Support Group at mga opisyal ng naturang barangay.

Matagumpay na naitanim ang 150 na mga punong-kahoy at nagtulungan sa paglilinis sa paligid ng lugar. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *