Force Multipliers nakiisa sa Police Visibility sa San Juan City

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang police visibility sa Brgy. Pasadena, Isabelita, Corazon De Jesus at Brgy. St Joseph, San Juan City nito lamang gabi ng Miyerkules, ika-6 ng Setyembre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang Sub-Station 4 ng San Juan City Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa at gabay ni Police Captain Mauro A Paguyo, SS4 Commander.

Layunin ng gawaing ito ng grupo na hadlangan ang mga krimen sa lansangan at upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga tao sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *