Baybay Ku Dalus Ku ng Advocacy Support Groups Aparri Cagayan Chapter ,matagumpay na isinagawa
Ipinakita muli ng mga miyembro ng Advocacy Support Group ang pagiging makakalikasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang aktibidad na Baybay Ku Dalus Ko (Dagat ko Linisan Ko) na isinagawa sa dalampasigan ng Barangay Punta Aparri Cagayan noong Setyembre 9,2023.
Alas sais pa lang ng umaga ay nag-umpisa ng mamulot ng mga basura sa dalampasigan ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo; Kaligkasan members; mga barangay officials; mga kapulisan ng Aparri Police Station at Maritime Group at mga residente.
Ang coastal clean-up drive ay palaging isinasagawa ng mga grupo upang matanggal ang mga basura na naianod ng dagat. Sa pamamagitan nito ay napapanatili ang kagandahan ng lugar na maaaring pasyalan.
Dagdag nito, naimumulat sa mamamayan lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Kaugnay din ito sa Clean and Green, CPPO Dream and I love Cagayan River program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Source:Aparri PS