Clean-Up Drive isinagawa sa Hermosa, Bataan

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay San Pedro, Hermosa, Bataan nito lamang Linggo, ika-10 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga tauhan ng TUPAD kung saan nagtulungan sa paglilinis sa kapaligiran. Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *