KKDAT nakiisa sa BambooTree Planting Activity

Naging matagumpay ang isinagawang Tree Planting Activity ng 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), na ginanap sa Sitio Upper Bao, Brgy. Bao, Alamada, North Cotabato nito lamang ika-11 ng Setyembre 2023.

Nasa higit 50 pirasong punla ng bamboo trees ang naitanim sa nabanggit na lugar. Layunin ng aktibidad na paramihin ang mga puno sa lugar upang maging karagdagang proteksyon kapag may dumarating na kalamidad.

Hinihikayat naman ng mga naturang grupo ang mga mamamayan na patuloy na makiisa at isulong ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pangangalaga ng ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *