Faith-Based Advocacy Group, nakiisa sa Unity Walk, Holy Mass at Signing of Peace Covenant sa Capiz
Nakiisa sa Unity Walk, Holy Mass at Signing of Peace Covenant ang mga miyembro ng faith-based advocacy group na ginanap sa Most Holy Trinity Parish Church, Brgy. Poblacion, Pilar, Capiz nito lamang ika-12 ng Setyembre 2023.
Ang isang makasaysayang pagkilos para sa pagkakaisa, pormal na paglagda ng kasunduan para sa kapayapaan, at banal na misa na ginanap sa Most Holy Trinity Parish Church, Brgy. Poblacion, Pilar, Capiz, nitong ika-12 ng Setyembre 2023.
Ang banal na misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Jaime D. Abao, Parish Priest ng nasabing simbahan, na nagdala ng espiritwal na kahulugan sa buong okasyon.
Katuwang sa aktibidad si Louell F. Firmalino, COMELEC Officer III, Hon. Arnold A. Perez, Punong Bayan ng Pilar, 1st Capiz PMFC, Philippine Army, Department of the Interior and Local Government, Bureau Fire Protection, Philippine Coast Guard, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, mga Advocacy Support Groups (ASG), at iba pang mga Non-Government Organizations (NGOs).
Mayroong 1,000 mga aspiring na kandidato mula sa Barangay at Sangguniang Kabataan ang dumalo sa nasabing aktibidad.
Ipinakita ng grupo ang kanilang suporta at dedikasyon para sa kapayapaan at pagkakaisa sa komunidad.
Sa gitna ng mga hamon at pagbabago sa lipunan, patuloy ang pagsusumikap ng grupo at iba’t ibang sektor ng pamahalaan at lipunan na palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng mamamayan para sa isang mapayapang kinabukasan.