Simultaneous Tree Planting isinagawa sa MisOcc

Misamis Occidental – Nasa 100 na polayo native trees ang naitanim sa isinagawang Simultaneous Tree Planting sa Barangay Culpan, Aloran, Misamis Occidental nito lamang ika-13 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Ozamiz City Maritime Police Station sa pangunguna ni Police Major Julie M Buac, Station Chief kasama ang mga opisyales ng naturang barangay sa pamumuno ni Lorna C Omisol, Barangay Captain at Philippine Coast Guard Oroquieta City Sub-Station.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Buhayin ang pangangalaga ng Kalikasan” na may kabuang 100 na polayo native trees ang naitanim. Layunin ng grupo na pangalagaan ang kalikasan na may katagang “Take care of the trees, they will take care of you” at upang ang mga susunod na henerasyon ay may malanghap na sariwang hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *