Tree Panting Activity isinagawa sa Baguio City

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Camdas Police Station ng Baguio PNP sa Buyog, Watershed, Lucban, Baguio City nito lamang Septembre 13, 2023.

Masayang nilahukan ang aktibidad ng mga miyembro ng Kabataan kontra droga at Terorismo (KKDAT) ng West Quirino Hill na pinangunahan ni Mr. Anselmo Tao-ingsa, Camdas Barangay Officials at ilang mga residente ng naturang lugar.

Ang grupo ay matagumpay na nakapagtanim nga mga seedlings ng pine trees na naglalayong mapreserba at maproteksyonan ang likas na yaman sa lugar at buhayin mula ang ispiritu ng bayanihan ng kumunidad, kabataan at kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *