Simultaneous Clean-Up Drive Activity, nilahukan ng Faith-Based Leaders sa Eastern Samar

Nakilahok ang mga Faith-Based Leaders sa isinagawang Simultaneous Clean-Up Drive Activity na ginanap sa baybayin ng Brgy. 12, Dolores, Eastern Samar nito lamang Biyernes ng umaga ika-15 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Ptr. Emeliana Ambal, Life Coach at Juriel Grafil, Punong Barangay kasama ang Admin at PCAD personnel ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.

Sama-sama at tulong-tulong ang mga nasabing grupo sa paglilinis ng baybayin kung saan nakalikom ang mga ito ng sako-sakong mga basura.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palawakin ang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *